DOHA, Qatar (AP)- Na-upset si third-seeded Andy Murray, naglaro sa kanyang unang tournament matapos ang back surgery sa huling bahagi ng Setyembre, ni Florian Mayer ng Germany, 3-6, 6-4, 6-2, sa second round ng Qatar Open.
Humantong rin si top-ranked Rafael Nadal sa tatlong sets subalit ‘di kalaunan ay nagwagi via 6-3, 6-7 (3), 6-3 kay Tobias Kamke ng Germany, habang nakisalo rin si second-seeded David Ferrer kay Murray sa maagang paglisan matapos ang 6-4, 7-5 loss kay Daniel Brands ng Germany.
Angat pa si Murray sa 6-3, 3-0 nang ang 40th-ranked na si Mayer ay magsimula nang umarangkada kung saan ay nakuha nitong ipanalo ang bawat tikada. Napagwagian ng German ang 12 sa kanyang huling 15 mga laro, isinara ang laban na mayroong net-cord winner upang iselyo ang panalo na nagtapos sa 1 oras at 51 minuto.
Humirit si Murray ng 25 winners, ngunit ang reigning Wimbledon champion ay nakapagtala ng 37 unforced errors. ‘’I didn’t have extremely high expectations, because I haven’t obviously played a match for a long time,’’ pahayag ni Murray. ‘’You don’t know exactly how your body is going to respond.’’
Ang huling apat na nakapaglaro si Murray sa torneo ay mula sa unang linggo ng bagong season na kanyang hinablot ang titulo: ang 2008 at ‘09 sa Doha, at 2012 at ‘13 sa Brisbane.
Napag-iwanan si Nadal sa 4-1 sa second set ngunit agad nakabuwelta upang ipatas ang laro sa 4-4 bago dinominahan ni Kamke ang tiebreaker, kinuha ang 5-0 lead.
Nakakuha si Nadal ng tatlong breaks sa match, isa sa bawat set, at isa sa bawat double-faulted ni Kamke sa break point.
‘’Important win,’’ saad ni Nadal, susunod na makakatagpo nito si seventh-seeded Ernests Gulbis ng Latvia. ‘’I spent a lot of time on court, so that’s important for my preparation, too.’’
Pinataob ni Gael Monfils ang kapwa Frenchman at defending champion Richard Gasquet, 6-2, 7-5, sa final match. Ang fifth-seeded na si Gasquet ay sadyang iniinda ang kanyang back problem sa linggong ito.
Maaga ring nawala sa kontensiyon ang dalawang seeded players na sina No. 6 Philipp Kohlschreiber at No. 8 Fernando Verdasco.
Sumadsad si Kohschreiber kay qualifier at fellow German na si Peter Gojowczyk, 7-6 (4), 7-6 (7), habang nabigo si Verdasco kay Victor Hanescu ng Romania, 4-6, 7-6 (0), 6-2.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment