Thursday, January 2, 2014

Gov. Singson, naglaan ng pabuya vs nakabaril sa sanggol

Naglaan ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Ilocos Sur para sa inadarakip ng suspek na nagpaputok ng baril noong kasagsagan ng Bagong Taon na ikinamatay ng tatlong buwang sanggol habang natutulog katabi ang ina sa kanilang bahay.


Kinumpirma ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson na naglaan siya ng pabuya para mapabilis ang pagresolba ng kaso.



Hindi binanggit ng gobernador kung magkano ang pabuya, na naniniwala ang gobernador makatutulong para madakip ang suspek.


Lumakas ang panawagan para sa katarungan ng biktimang si Vhon Alexander Llagas.


Sa report ng pulisya, kasama ng biktima ang kanyang ina na natutulog sa kuwarto.


Nagsisigaw na ang ina ng biktima ng Makita nito ang ina na duguan ang ulo matapos magiiyak ng tama ng ligaw na bala.


Itinakbo pa sa Gabriela Silang General Hospital ang biktima subalit namatay makaraan ang dalawang araw. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Gov. Singson, naglaan ng pabuya vs nakabaril sa sanggol


No comments:

Post a Comment