Thursday, January 2, 2014

8,000 overstaying OFW sa South Korea, pauuwiin ng POEA

Ni Mina Navarro


Sa layong tumaas ang bilang ng ipanadadalang manggagawa sa pamamagitan ng Employment Permit System (EPS), sisikapin ng Department of Labor and Employment na mapababa ang mahigit 8,000 overstaying na overseas Filipino workers (OFWs) sa South Korea.



Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na sa taunang annual quota ng South Korea para sa dayuhang manggagawa sa ilalim ng EPS ay alinsunod sa Foreign WorkersPolicy Committee na isinasaalangalang ang bilang ng mga overstaying

na manggagawa, pati na rin ang takbo ng labor market, antas ng kakulangan sa paggawa, at kalagayan ng ekonomiya.


Sa 2014, sinabi ni Baldoz na agresibo niyang tutugunan ang isyu ng iligal na naglalaging manggagawang

Pinoy sa EPS ng South Korea.


“We have to show we are serious in reducing the number of the estimated 8,247 EPS workers illegally staying in South Korea if we wish to have our quota increased,” pahayag ng kalihim.


Dahil dito inatasan ng kalihim si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) chair Hans Leo J. Cacdac upang simulan ang pagkilos sa pagdisiplina sa overstaying OFWs sakop ng government-to -government arrangement sa POEA bilang nagpapadalang ahensiya.


Iniutos din ang mahigpit na pagmo-monitor sa mga kontrata sa pamamagitan ng POEA at para sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) upang suportahan nito ang kampanya ng on-site at programang edukasyon.


“The POEA rules and regulations has provision on disciplining OFWs, and the POEA itself should show that if it can discipline OFWs deployed by licensed private recruitment agencies, the more it should show that it can, as sending agency, discipline errant workers,” dagdag ni Baldoz.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



8,000 overstaying OFW sa South Korea, pauuwiin ng POEA


No comments:

Post a Comment