Thursday, January 2, 2014

Mother Lily, masaya sa kinikita ng ‘Pagpag’

MASAYANG-MASAYA ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde nang batiin namin ng Happy New Year sa farewell party ng TV5 executive na si Perci Intalan last Monday.


Lumampas na kasi sa P100M ang kinikita ng Pagpag na co-produced ng Star Cinema at Regal Entertainment. Ito ang kasalukuyang nasa number three sa box office race sa ginaganap na 39th Metro Manila Film Festival.



Parang ‘yung Shake Rattle and Roll franchise ng Regal na parating nasa top two o three simula nu’ng una itong ipalabas noong 1984.


Huminto sa pagsali sa MMFF ng lady producer noong magkasakit na siya bukod pa sa nalaglag na rin sa paligsahan sa takilya ang huling Shake Rattle and Roll Fourteen: The Invasion noong 2012.


Tinanong namin si Mother Lily kung ano ang sunod na ipo-produce niya. “Wala pa, isip pa,” kaswal niyang sabi habang pinapanood ang anak niyang si Roselle na sumasayaw sa dance floor.


Hmmm, posible bang magkaroon din ng franchise ang Pagpag tutal ang sabi naman dati sa presscon ay marami pang pamahiin tungkol sa pagdalaw sa burol ng patay na hindi pa naipakita sa pelikula. -Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mother Lily, masaya sa kinikita ng ‘Pagpag’


No comments:

Post a Comment