Isang 2.1 magnitude na lindol ang naramdaman sa Negros Oriental noong Huwebes ng umaga, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs).
Ayon sa PhiVolcs bulletin, ang lindol na may lalim na 18 kilometers ay naitala eksaktong 10:22 a.m., 13 km sa hilagang kanluran ng Jimalalud, Negros Oriental.
Makalipas an mahigit 30 minuto, isa namang 3.4 magnitude na lindol ang naitala 180 km sa timog silangan ng Sarangani, Davao Occidental. Ito ay may lalim na 68 km.
Ang dalawang lindol ay tectonic in origin. Walang naitalang aftershocks at walang naiulat na pinsala. Jomari Guillermo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment