Friday, January 17, 2014

Meralco Bolts vs Petron Blaze

Ni Marivic Awitan


Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Meralco vs Petron

5:15 pm. Air21 Express vs Rain or Shine


Masiguro ang isa sa huling dalawang spots para sa quarterfinals ang tatangkain ng Meralco Bolts sa kanilang pakikipagtuos sa Petron Blaze sa penultimate day ng eliminations ngayon ng 2014 PLDT myDSL PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.



Nalagay sa alanganin ang tsansa ng Bolts na makausad sa susunod na round matapos putulin ng Rain or Shine ang kanilang naitalang back-to-back wins sa pamamagitan ng 89-86 na panalo noong nakaraang Miyerkules na nagbaba sa kanila sa barahang 5-8 (panalo-talo), kapantay ng Barako Bull at Global Port na may laban naman kontra sa Barangay Ginebra San Miguel habang isinasara ang pahinang ito.


Kailangang makabalik ng Bolts sa winning track at umaasang mabibigo ang Alaska sa huling laban nito bukas kontra sa Barako Bull upang makatiyak sa kanilang pag-usad sa playoff round.


Kung matatalo sila ngayon at mananalo ang Aces sa Energy Cola, dadaan pa sila sa knockout match para sa huling quarterfinals berth.


Sa panig naman ng Boosters, tatargetin nila ang ikasampung panalo para ganap na tumapos na nasa ikatlong puwesto papasok sa susunod na round. Sila ay nasa likuran ng namumunong Ginebra (10-2) at pumapangalawang Rain or Shine (10-3) kung saan ay hangad nila ang pagbangon matapos ang 93-112 pagkabigo sa kamay ng San Mig Coffee noon ding Miyerkules.


Samantala, sa tampok na laro, titiyakin naman ng Elasto Painters na mapatatag ang ikalawang posisyon para sa bentaheng ‘twice-to-beat’ papasok sa quarters sa kanilang pagtutuos ng out of contention nang Air21 Express sa alas-8:00 ng gabi.


Galing sa mahimalang 89-86 panalo kontra sa Meralco, kung saan ay naisalba sila ng buzzer-beater triple ni JR Quinahan, pinapaboran ang Elasto Painters na manaig laban sa Express.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Meralco Bolts vs Petron Blaze


No comments:

Post a Comment