Magkakahugis na ang Clark Green City Master Development Plan ngayong taon. Ang Plan, na inaprubahan ng National Economic and Development Authority-Committee on Infrastructure, ay magde-develop ng 36,000 ektarya ng Clark Freeport at Special Economic Zone upang gawing isang bagong lungsod na tatawaging Clark Green City.
Nasa huling yugto na ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa master planning, bilang paghahanda sa pag-apruba ng Office of the President. Itatayo ang Clark sub-zone na ito upang makaakit ng investments, lumikha ng mas maraming trabaho, pasiglahin ang ekonomiya, at panatilihin ang kaunlaran. Ang BCDA ang ahensiya ng gobyerno na kumikilos upang produktibong gamitin ang dating military bases para sa sibilyan. Nakatulong ito sa pagpapaunlad ng 240-ektaryang Bonifacio Global City, isang premyadong business at residential center.
Sa 36,000 ektaryang ari-arian sa Clark, ang 1,321 ektarya nito ay ide-develop ngayong taon para sa panimulang bahagi ng limang taon na development program, na may budget na P59 bilyon. Inaasinta ng BCDA na tapusin ang pagde-develop sa ari-arian sa 2016 upang maging government center, central business district, center of excellence, agri-forestry research and development center, wellness, at eco-tourism center. Lumagda ang BCDA sa isang kasunduan kasama ang South Korean economic zone operator – ang Incheon Free Economic Zone Authority (IFEZA) – bilang unang hakbang upang gawing isang smart at green city ang Clark. Ang IFEZA, na nagpapakilos sa Songdo International Business District, ang aayuda sa BCDA sa urban planning at sustainable design, na may pinagsamang residential at commercial land use sa isang master-planned community. Maaating gawing padron ng gobyerno ang Songdo sa Clark development.
Ang bulto ng project cost ay babalikatin ng pribadong sektor dahil ang moda ng development ay idadaan sa Public-Private Partnership. Layunin ng Clark Green City ang makaambag ng P1.57 trilyon kada taon sa pambansang ekonomiya at makalikha ng 925,000 trabaho. Paluluwagin ng proyekto ang Metro Manila at pasisiglahin ang paglago ng ekonomiya sa Pampanga at Tarlac, at pakikinabangan ng dalawang freeport ng Subic at Clark sapagakat lalawak ang aktibidad sa kalakalan. Ito ang magiging top destination sa Central Luzon pati na rin sa buong bansa para sa lokal at internasyunal na mga resdiente, locators at investors.
Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ng Chairman of the Board of Directors na si Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, iba pang opisyal at kawani, ay bumabati sa National Economic and Development Authority sa pangunguna ni Director-General Arsenio M. Balisacan, Pampanga Governor Lilia G. Pineda, Tarlac Governor Victor A. Yap, at ang Bases Conversion and Development Authority sa pamumuno nina Chairman Rolando P. Gosiengfiao at President and Chief Executive Officer Arnel Paciano D. Casanova, sa kanilang pagsisikap na i-develop ang Clark Green City bilang sentro ng tuluy-tuloy na kaunlaran sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment