Magaganap na ngayon ang unang tuneup match sa mga conterder sa nalalapit na Triple Crown Championship sa pag-arangkada ng ng limang mananakbo sa 2014 Philracom 3-Year-Old Local Colts race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Nakasalalay sa limang mananakbo ang kanilang kinabukasan para sa minimithing 1st leg Triple Crown Championship sa Mayo 18 sa paghataw ng 3-Year-Old Local Colts race na may distansiyang 1,500 meters sa SLLP ngayong hapon.
Kaya naman mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Castle Cat, Fairy Star, King Bull, Low Profile at Surplus King.
May nakalaang premyong P300,000 sa mananalo habang P112,500 sa pangalawa, P62,500 sa 3rd placer at P25,000 sa 4th. Nakataya naman ang P15,000 sa breeder sa mananalong kalahok.
Tatlong mananakbo ang nakikitang mahigpit na maglalaban at ito’y ang Fairy Star, Castle Cat at King Bull na siyang tututukan ng Bayang Karerista.
Matapos ang 1,500 meters na labanan sa Local Colts, susubukan naman ang mga contender ang 1,600 meters race sa Pebrero sa bakuran naman ng Santa Ana Park sa Naic,Cavite at ang panghuli na may 1,600 meters distance din ay lalarga naman sa Metro Manila Turf Club sa Malvar,Batangas sa Marso bago pumalaot sa TCC.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment