Ni Jimi Escala
NATAWA na lang ang showbiz personality na kaibigan ni Billy Crawford sa mga pahayag ng actor na nasa “courting stage” pa lang daw sila ni Coleen Garcia.
Madalas nakakasama ng showbiz personality sa mga lakaran sina Billy at Coleen kaya alam na alam niya ang tungkol sa dalawang ito.
“Ipinakilala na niya sa amin na girlfriend na niya si Coleen, ‘tapos sasabihin niyang nililigawan pa lang niya?” sabi ng showbiz personality nang makausap namin. “Pero naintindihan din naman namin ang dalawa, ayaw lang naman siguro nilang gumulo lalo ang sitwasyon.”
Ipinagtataka rin ng source namin ang madalas na pananatili ni Coleen sa condo unit ni Billy sa Eastwood.
“’Yan ba ang nililigawan pa lang, eh, halos nasa condo lagi ni Billy?” tanong ng source namin.
Dagdag pa niya, matagal-tagal na ring itinatago nina Billy at Coleen ang relasyon nila.
So, si Coleen nga ang third party sa break-up nina Billy at Nikki Gil! Ingat-ingat din ‘pag may time, ayaw ng fans ng mga artistang hindi nagsasabi ng totoo.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment