NANANATILING malakas ang bagyong Agaton habang mabagal na kumikilos patimog-timog-kanluran sa napakabagal na limang kilometro kada oras.
Ayon sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 166 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay pa rin ang hanging 55 kilometro bawat oras.
Nakataas pa rin ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar: Surigao del Norte, Siargao Is., Surigao del Sur, Dinagat Province, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental at Compostella Valley.
Ang mga lugar na nabanggit ay magkakaroon ng mga pag-ulan sa susunod na mga oras.
Ang malaking bahagi naman ng Luzon at Visayas ay may bahagyang kaulapan na dala ng hanging amihan.
The post Bagyong Agaton nanatiling malakas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment