Sunday, January 26, 2014

L.R TIQUI CONST. AT POE INAABANGAN SA 2016

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB TIYAK na nakabantay ang lahat ng mga aspirante sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ng bansa kay Grace Poe.


Kakaiba kasi ang naging dating ng ale na anak ni FPJ matapos itong manguna sa 2013 election.


Kung karisma at dedikasyon kasi sa trabaho ang pag-uusapan, talaga namang palaban itong si Poe dahil kakaiba ang performance nito noong ito ay boss pa lamang ng MTRCB.


Pero pinakamalaking bentahe ni Poe ang malinis na pangalan nito at iyan ang hinahanap ng mga Filipino dahil halos lahat na ng mga politiko sa bansa na naghahangad na maging lider ng estado ay nasabit na rin sa sari-saring anomalya.


Maging sina Binay, Roxas, Cayetano, Escudero, Marcos at Villar ay nasabit na sa iba’t ibang kontrobersiya kaya’t iba na ang tingin ng mga tao sa mga ito.


Sa maikling salita, malinis na isda ang hinahanap ng mga Pinoy at diyan pasado si Poe na, bukod sa may angking kagandahan, ay talaga namang mayroon ding utak at puso para sa bayan.


‘Yan ang dapat ikonsidera ng Malakanyang, lalo na si PNoy, dahil sa lahat ng bata niyang aspirante sa 2016 ay si Poe lamang ang may malinis na pangalan.


o0o

Bilib din naman ako sa tikas ng L.R. Tiqui Construction at sa 3rd Metro Manila Engineering District.


Sa kabila kasi ng palpak na proyekto nito ay pinasingil pa rin ito ng DPWH.


Bukod sa mga crack at litaw na agad ang graba sa kalsada ay hindi rin dumadaloy ang tubig sa kanal na gawa nito dahil wala ito sa tamang lebel para sa daluyan ng tubig.


‘Yan ang kalibre ng mga kontraktor ng DPWH kaya’t hindi na dapat maghanap ang taumbayan ng matinong proyekto.


The post L.R TIQUI CONST. AT POE INAABANGAN SA 2016 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



L.R TIQUI CONST. AT POE INAABANGAN SA 2016


No comments:

Post a Comment