Ni Beth Camia
Tapusin hanggang Lunes.
Ito ang palugit na ibinigay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Department of Health (DOH), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensya ng pamahalaan para mailibing lahat ng nabubulok nang bangkay sa Leyte na biktima ng bagyong “Yolanda.”
Sinabi ni Health Undersecretary Janet Garin, minamadali na nila ang proseso para sa mass burial bukas bilang tugon sa kautusan ng Pangulo.
Nasa 800 pa umanong bangkay ang hindi pa naililibing kung saan 200 dito ay waiting for permanent burial matapos suriin ang kanilang pagkakilanlan habang ang 600 ay para sa temporary burial.
Ngunit nabawasan na ang bilang na ito dahil nang umalis si Garin sa Leyte ay patuloy ang proseso ng paglilibing kahit ngayong weekend.
Nabatid na kasabay ng pagsalubong ng bagong taon ay tinatayang nasa 1,400 pang bangkay ang hindi pa naililibing na karamihan ay lubog na sa tubig at putikan dahilan upang ireklamo ng mga residente ang masangsang nitong amoy na nakakaapekto umano sa kanilang kalusugan.
Matapos ang bakasyon sa Pasko at Bagong Taon, bumalik na sa Leyte ang mga forensic expert upang ipagpatuloy ang identification process sa mga bangkay.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment