Ipinanunukalang ipangalan ang itinatayong gusali ng Hall of Justice bilang parangal sa namayapang Associated Supreme Court Justice Cecilia Muñoz-Palma, ang unang Pilipinang itinalaga sa posisyong ito.
Sinabi ng baguhang Councilor Donato Matias sa kanyang panukala na nararapat lamang na ipangalan ang bagong justice building kay Muñoz- Palma, na nagsilbi noong 1984 bilang kasapi ng Parliament at kumakatawan sa Quezon City.
“The Filipino people shall be eternally grateful to the selfless dedication that Justice Muñoz-Palma has given to the country and her memory as a freedom fighter and woman of substance deserves to be eternally etched in the hearts and minds of freedom-loving citizenry,” saad sa panukala ni Matias.
Si Palma ay nanguna sa 1937 Philippine Bar exams at naging kasapi ng 1986 Constitutional Commission, na nagbalangkas ng 1987 Constitution sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Pumanaw siya sa edad na 92 noong Enero 2006. – Chito A. Chavez
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment