Saturday, January 4, 2014

Denzel Washington, nililigawan bilang Green Lantern

SI Denzel Washington bilang Marvel superhero?


Ang aktor ay iniulat na nililigawan para gumanap na isa sa mga superhero sa upcoming film na Batman vs. Superman.


Ayon sa Nukethefridge.com, nakatuon ang mga mata ng Warner Bros kay Denzel Washington para sa papel na John Stewart, isang karaniwang lalaki na naging kasapi ng intergalactic police na kilala bilang Green Lanterns.



Kapag tinanggap niya ang papel, susunod si Denzel sa mga yapak ni Ryan Reynolds, ang Canadian actor na gumanap na Hal Jordan, isa pang Green Lantern, sa 2011 fi lm tungkol sa superhero.


Si Wonder Woman, gagampanan ni Gal Gadot, ang natatanging superhero na ang paglabas kasama ang titular characters na Batman vs. Superman ay opisyal na kinumpirma. Sina Ben Affleck at Henry Cavill ang gaganap na mga superhero ng Gotham City at Metropolis, na makakalaban ang isa’t isa sa unang pagkakataon. Si Zack Snyder ang magdidirehe ng blockbuster, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa mid-July 2015. – AFP


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Denzel Washington, nililigawan bilang Green Lantern


No comments:

Post a Comment