NORMAL na sa pulitika ang pagkakaroon ng “mortal enemy”. Ganyan ang situwasyon dati sa Marikina Heights. Alam ng halos lahat ng tao ang matinding political rivalry nina Kap. Harry Sing at Kap. Raul Taytayan.
Ngunit nang dumating ang imahen ng Immaculate Heart of Mary mula sa Grupo Da Imaculada ng Fatima, Portugal noong 1999, namangha ang lahat dahil ang magkaaway na politiko ay nagkaisa para bigyan ng matutuluyan ang Marian Monument sa Hardin ng Bayan sa Park 15.
Marahil, ang pagkakatalaga ng imahen sa monumento sa araw mismo ng Foundation Day ng Barangay Marikina Heights na June 11 ay isang klarong mensahe sa dalawang Marian devotees na isantabi muna ang pulitika para sa pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Ina.
Hindi kasi dapat June 11 naka-schedule ang thronement para sa Marikina. Ngunit biglang nabago ito at huli na nang mag-abiso ang Fatima na nalipat sa June 11 ang araw para sa Marikina.
Una, ang araw na ‘yan ay Foundation Day ng barangay. Pangalawa, si Blessed Virgin Mary ang kinikilala na patroness ng kanilang barangay.
Malamang, tinanggap nina Sing at Taytayan na kumpirmasyon mula sa langit ang pagdating ng kanilang patroness sa araw mismo ng selebrasyon ng barangay.
Kaya hayon at sabay sumalubong ang dalawang politiko – isang dating kapitan at kasalukuyang kapitan – sa imaheng galing kay Sister Lucia Dos Santos ng Fatima, Portugal noong June 11, 1999.
Ang nakatutuwa pa ay magkasama ang dalawang bida tuwing taunang prusisyon at sila pa ang nagsasagutan at nagli-lead ng Rosary. Minsan, nagkakasabay rin sila sa monthly First Saturday Mass na ginaganap alas-otso ng umaga sa kung tawagin ngayon ay Marian Consecration Grounds.
Nawa’y magsilbing magandang aral at halimbawa ito sa ating mga politiko sa ating bansa. Dapat ay laging mangibabaw ang ating pananampalataya laban sa anomang pulitika na ating kinasasaniban.
Ngayon, si Kap. Harry Sing ang pumalit sa akin bilang local coordinator ng Grupo Da Imaculada sa Marikina.
Sana naman ay mabisita kayo at makapagmisa rito para naman makilala ninyo ang dalawang magkalaban sa pulitika na pinagsama ni Maria.
The post MAGKALABAN SA PULITIKA PINAGSAMA NI MARIA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment