Friday, January 3, 2014

Mag-asawang negosyante, niratrat sa farm

QUEZON, Nueva Ecija— Isang mag-asawang negosyante ang napatay sa pamamarili sa bayang ito sa huling araw ng 2013.


Sa report ng Quezon Police sa tanggapan ni Sr. Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Director, kinilala ang mag-asawang biktima na sina Mario Mamangon, 72, at asawang si Marcelina Mamangon, 72, residente ng #25 Santarina St., Bgy. Aduas Centro,

Cabanatuan City.



Dakong 5:00 ng hapon, nagpapahinga ang mga biktima sa kanilang farm sa Bgy. Pulong Bahay, Quezon, Nueva Ecija nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalakihan at sunod-sunod silang pinaputukan.


Narekober ng pulisya ng anim basyo ng cal. 45 pistol, isang magazine ng cal. 9mm na loaded pa ng 13 live bullets sa lugar ng krimen. Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen. – Light A. Nolasco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mag-asawang negosyante, niratrat sa farm


No comments:

Post a Comment