Friday, January 3, 2014

Hamilton Electric 500

Enero 3, 1957, inialok na sa publiko ang Hamilton Electric 500, ang unang battery-operated watch ng mundo. Ang Hamilton Watch Company, na nakabase sa Lancaster, Pennsylvania, ang nagpabrika ng analog watch model.



Nagsimula ang pagdebelop ng orasan noong 1946. Inilunsad ito noong 1957 dahil sa tindi ng kompetisyon, at agad na pinagkaguluhan. Gayunman, maiksi ang buhay ng battery nito, kaya kinakailangan ang madalas na pagpapalit. Kalaunan, naisip ng mga tao na ang Hamilton 500 ay mas malala kaysa karaniwang winding watch nang mga panahong iyon.


Nawala sa pamilihan ang Hamilton noong 1969, sa paglutang ng quartz movement. Ang nabigong modelo ng orasan ay isa na ngayong pinagaagawang collector’s item


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Hamilton Electric 500


No comments:

Post a Comment