LINGAYEN, Pangasinan— Sa patuloy na pagdagsa ng mga tao sa mga dalampasigan ng Pangasinan partikular na sa Lingayen, nananatiling nakaalerto ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) para mabantayan ang maraming tao at maiwasan ang posibilidad ng pagkalunod.
Noong Disyembre 25, nakapagpakalat ng miyembro ng Water Search and Rescue (WASAR) team para maagapayan ang beachgoers at makatulong din sa anumang search and rescue operations.
Unang naitala ang kaso ng pagkalunod sa San Fabian Beach noong Pasko at upang maiwasan naman ang anumang katulad na kaso sa Lingayen Beach, tiniyak na hanggang Sabado ay mananatiling nakaalerto ang WASAR. – Liezle Basa Inigo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment