Sunday, January 26, 2014

WALA PA RING KUPAS SA DPWH

johnny_magalona103 ANG latest ‘impo’ sa kontraktor na si Boyet Legaspi ay patuloy pa rin daw ito na nakakukuha ng milyong pisong kontrata mula sa DPWH sa kabila ng sangkatutak na proyekto ang hindi natatapos.


Kaya hayun, galit na galit ang mga niloko nitong kontraktor na ang balita ay magsasampa na ng reklamo sa Ombudsman.


Ayon pa sa source, ang tindi raw ni Legaspi dahil nilulustay lang niya sa pagsusugal at pagbili ng mga ari-arian ang perang kinita niya sa mga niloko niyang kontraktor na ginawang sub-contructor sa mga proyektong nakukuha niya sa DPWH.


Bukod sa araw-araw na pagsusugal sa Las Vegas at Macau ay kung ano-ano pa ang mga binibili niya sa perang kinikita niya sa panloloko.


Kabilang sa mga ari-arian ni Legaspi ang milyones na condo nito sa Serendra sa Taguig City.


Hindi pa kasama ang mga mamahalin at modernong kotse gaya ng 2 BMW, Mercedez Benz atbp.


Ang pinagtatakhan pa ng mga source ay tatlo lang ang anak ni Legaspi at nakatira lahat sa bahay nila sa Dasma pero bakit daw may nakatira sa binili nitong condo na isang batam-batang babae?


Sino kaya ang babaeng ito sa buhay ni Legaspi?


Alam kaya ni Mrs. Erlinda Legaspi o Nanay Neneng kung sino ang babaeng ito na nakatira sa Serendra?


UNTOUCHABLE

Silipin muli natin itong bookies ng dating mayor ng Bay, Laguna na si Edwin Ramos o mas kilala sa tawag na ER sa mga bayan ng Bay at Los Baños, Laguna.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw natitinag dahil ipinagmamalaki nito na malakas siya sa buong lalawigan ng Laguna.


Kayang-kaya raw niyang paikutin sa kanyang mga palad ang kapulisan at mga lokal na opisyal ng nasabing lalawigan dahil pera-pera lang ang katapat daw ng mga ito.


Ganoon ba talaga ‘yun, ex-Mayor ER?


o0o

Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.


The post WALA PA RING KUPAS SA DPWH appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



WALA PA RING KUPAS SA DPWH


No comments:

Post a Comment