ANG late-jumper ni Mark Barroca sa nalalabing 11 seconds ng laro ang nagdala sa panalo ng San Mig Coffee Mixers sa Game 1 ng PBA Philippine Cup semifinals.
Tinalo ng Mixers ang Barangay Ginebra Gin Kings sa iskor na 85-83.
Lumalamang pa ng dalawang puntos ang Gin Kings sa huling 35 segundo, ngunit naitabla ito ni Joe Devance, 83-all.
Pagdating ng final play, naagaw ni Barroca ang inbound pass mula kay Mac Baracael at doon na naipasok ang winning basket.
“It doesn’t get any better than that in terms of back-and-forth all game long. Nobody really got too much ahead of anybody,” wika ni San Mig head coach Tim Cone.
Umiskor ng 20 points si Devance para sa Coffee Mixers habang sa panig ng Ginebra nakapagtala ng 16 puntos si LA Tenorio.
The post Late-jumper ni Mark Barroca, nagpanalo sa San Mig appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment