ISANG guro ang inireklamo makaraang mabuntisan ng kanyang 17-anyos na estudyane sa Glan, Sarangani Provinve.
Dsahil dito naging usap-usapan ngayon sa lalawigan ang pagdadalantao ng 28-anyos na guro sa high school na nabuntis ng basketball player na nakilala lamang sa alyas “Mayen”.
Maraming magulang ang nagrereklamo sa nangyari dahil sa hindi magandang gawain ng guro na kanilang ikinokonsiderang immoral.
Hindi umano mabuting halimbawa si Mayen sa mga estudyante at natatakot ang mga magulang para sa kanilang mga anak.
Hanggang sa ngayon nagtuturo pa rin ang inirereklamong guro.
Habang inihayag ni Anacleto Sayaang ang presidente ng Parents Teachers Association (PTA) sa paaralan na may pagpupulong na isasagawa para pag-uusapan ang naturang eskandalo na nakasisira sa reputasyon ng isang guro.
The post Guro nabuntis ng 17-anyos na estudyante appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment