Tuesday, January 28, 2014

4-anyos ginahasa ng 80-anyos na lolo

KULONG ang 80-anyos na lolo na inakusahang nanggahasa sa apat na taong gulang na babae sa Barangay Sirawai Proper, Sirawai, Zamboanga del Norte.


Base sa report ng Siocon municipal police station, personal na nagreklamo sa kanilang himpilan ang mismong ina ng batang biktima matapos madiskubre ang insidente.


Ayon sa reklamo ng ina ng bata, iniwan niya sa kanilang bahay ang biktima kasama ang panganay na kapatid nito nang pumunta siya sa palengke.


Nabigla na lamang siya nang bumalik siya sa kanilng bahay ay napansin niyang matamlay na ang kanyang anak.


Nang kanyang usisain ang katawan ng kanyang anak, dito na niya nadiskubre na namamaga ang pribado nitong parte ng katawan.


Kinumpirma ng panganay na kapatid ng biktima na nakita niyang dinala ng lolo ang bata saka pinahiga sa likod ng bahay ng kanilang kapitbahay.


Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, naaresto ang suspek na hindi naman itinanggi ang naging paratang sa kanya.


Ayon kay PO3 Jeanette Gemina ng Women’s and Child Protection Division ng base sa Siocon Municipal Police Station, lumalabas sa resulta ng isinagawang medical examination sa bata na positibo itong ginahasa.


Desidido naman ang magulang ng bata na sampahan ng kaso ang suspek para mabigyan ng katarungan ang sinapit ng biktima.


Inaasahang itu-turn-over sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang biktima dahil sa matinding trauma na dinaranas nito.


The post 4-anyos ginahasa ng 80-anyos na lolo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



4-anyos ginahasa ng 80-anyos na lolo


No comments:

Post a Comment