Dumating si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa Ilog Jordan para magpabinyag. Pero tumanggi si Juan at sinabi: “Ako ang dapat na magpabinyag sa iyo, bakit ikaw ang lumapit sa akin?” Sumagot si Jesus: “Ganito natin tutuparin ang makatarungang plano ng Diyos.” Kaya sumang-ayon si Juan. Matapos mabinyagan, umahon si Jesus mula sa tubig. At agad na nabuksan ang Langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang kalapati at pababa sa kanya. 17Narinig kasabay nito ang boses mula sa Langit na nagsabi: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, siya ang aking Hinirang.”
PAGSASADIWA
Tinanggap ni Jesus ang Kanyang Katibayan ● Nagpabinyag si Jesus kay Juan bagamat wala siyang kasalanan na kailangang patawarin. Sa katunayan, sinabi pa nga ni Juan kay Jesus: “Ako ang dapat magpabinyag sa iyo, bakit ikaw ang lumapit sa akin?” (b 14). Pagpapahayag ng pakikiisa sa sangkatauhan ang pagpila ni Jesus para magpabinyag kasama ng mga makasalanan. Noon pa man, pinasan na niya sa kanyang balikat ang kasalanan ng mga tao, kasalanang binuwag ng kanyang Pagdurusa, Kamatayan, at Muling Pagkabuhay. Ibinunyag ng Diyos sa tao na si Jesus ang “hinirang” sa pamamagitan ng pagbibinyag, hudyat ng pagbibigay kapangyarihan upang ipangaral ang Mabuting Balita ng Kaharian.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment