Sa kabila ng paggigiit ng Manila Electric Company (Meralco) na tanggalin ang inisyung temporary restraining order (TRO) laban sa P4.15/kWh big time power rate hike, matigas pa rin ang Korte Suprema na hindi pa aksyunan ang nasabing kahilingan.
Una nang hiniling ng Meralco base sa inihaing komento at counter-petition sa Supreme Court (SC) na alisin ang inilabas na TRO na pumigil sa implementasyon ng power rate hike at ibasura ang mga inihaing petisyon kontra sa dagdag-singil sa kuryente.
Kasabay nito ay nanawagan din ang Meralco sa SC na huwag pagtibayin ang kahilingan ng mga petitioner na pigilan o ipawalang-bisa ang P4.15/kWh na dagdag singil sa kuryente.
Giit ng Meralco, nabigo umano ang mga petitioner na mailatag ang mga requisite para magpalabas ng TRO at hindi rin ng mga ito naipakita na nalabag ng Meralco ang kanilang right to due process.
Kaugnay nito, nais ng Meralco na mapabilang din ang mga respondent at pagkomentuhin sa petisyon ang National Grid Corporation of the Philippines, PSALM o Power Assets & Liabilities Management Corporation at 19 iba pang power producer at generation company.
Iginiit ng kompanya na unfair ang pagpapatupad ng rate increase pero hindi ang mga generation at transmission firm na dahilan ng kanilang dagdag-singil sa kuryente. – Beth Camia
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment