Friday, January 3, 2014

5 mag-uuling, nasakote sa checkpoint

SAN LEONARDO, Nueva Ecija— Limang mag-uuling ang nasakote ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Bgy. San Anton ng bayang ito kamakalawa.


Ayon kay P/Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng Provincial Public Safety Company (PPSC) naaresto ng kanyang mga tauhan sina William Rabor, 36, driver; Kerwin Hernandez, 23; Amelita Pangilinan, 35, ng Bgy. San Anton; Cesar Balcos, 57, ng Purok 6, Bgy. Sto. Tomas South, Jaen, Nueva Ecija at Berlin Labian, 33 ng Bgy. Pamawaran, Malolos City, Bulacan.



Walang maipakitang dokumento ang mga nabanggit sa pagbibiyahe ng 303 sako ng uling at wala rin ng permit mula sa DENR-CENRO.


Dinala sa PPSC headquarters ang mga ilegal na cargo pati na ang sasakyan at inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines laban sa mga suspek. – Light A. Nolasco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



5 mag-uuling, nasakote sa checkpoint


No comments:

Post a Comment