NOONG isang Miyerkules ay naaya ako at mga kasamahang peryodista at komentarista na panoorin ang musical Dancing Fountains ng Vigan, Ilocos Sur.
Kailangan ninyong panoorin ito at kayo ay hahanga sa Dancing Fountains na ito, tulad ng paghanga ninyo sa mga ancestral home at ang mga kalye nito na ginawa pa noong panahon ng mga Kastila.
Ang Dancing Fountains na ito ay kasing tanyag o higit pa ng mga dancing fountain sa Singapore at Amerika. Ang host namin ay si ex-Governor Chavit Singson ng Ilocos Sur, isang asensadong lalawigan na ngayon ay pinamumunuan ng anak niyang si Ryan Singson.
Ang mga kakosa kong sumama ay sina radio commentator Ruben Ilagan, Philippine Star Tony Katigbak, Charito Planas na dating bossing ng Nayong Pilipino at Quezon City Vice Mayor, Celina Cristobal ng dating Manila Chronicle, at si Marcelo Lagmay ng Manila Bulletin. Si Lagmay ay dati ring president e ng National Press Club at dating press undersecretary.
Kay hirap bilangin ang dami ng mga dancing fountain na ito, na kamangha-mangha ang mga ilaw sa gabi na nakikisalamuha sa tubig at tugtog ng mga awiting classical at modern.
Ang mga fountain ay inilagay sa malawak na lagoon sa Plaza Salcedo sa pagitan ng Vigan Cathedral at ng Kapitolyo.
Ginawa ang dancing fountains ng mga Korean engineer at sinasabing ang attraction na ito ay kasing sikat ng Bellagio Water Fountains ng Las Vegas, Nevada.
Sa ngayon ay ang Dubai Fountain ng United Arab Emirates ang pinakamalaki at pinakamatangkad sa buong mundo. Ang mga gumawa nito ay ang mga gumawa rin ng Bellagio fountains.
Talagang maipagmamalaki natin ang Vigan Dancing Fountains dahil dalawa o tatlong fountains na ganito kaganda sa buong daigdig.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo. Libre ang panonood dito dahil sa town plaza ito itinayo para makita ng lahat, mahirap man o mayaman, katutubo man o banyaga.
The post HALINA SA VIGAN AT MANOOD NG DANCING FOUNTAIN appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment