Monday, January 27, 2014

MALI NI VHONG NAVARRO AT HIRIT KAY GEN. GATCHALIAN

burdado- jun briones KASONG rape ang pinalulutang ng kanyang attackers na anggulo umano ng insidenteng kinasasangkutan ng artistang si Vhong Navarro.


Sa nasabing pangyayari, parekoy, ay nagmukhang nilamukos na talong ang pagmumukha ng aking aydul!


Ok slang ‘yan aydul Vhong, ang mahalaga nabuhay ka. Para puwede uling makipag-date kay Ms. Cornejo! Hak, hak, hak!


Sa totoo lang, hindi natin nakagawiang sumawsaw sa isyu ng mga artista. Dahil sa takot na baka madiskubre si parekoy sa pinilakang tabing! He, he, he!


Pahayag ni Vhong Navarro na naset-up umano siya na nagsimula sa pagpiring, pananakot at paglalaro sa kanyang-ari habang kinukuhanan ng video.


Pagkatapos ay hiningian siya ng malaking halaga at isinama sa police station para roon ay pirmahan niya ang police blotter bilang pag-amin sa kasong panggagahasa.


‘Yun nga lang, pumirma rin si Ms. Cornejo na hindi na umano siya magsasampa ng demanda!


Sa totoo lang, parekoy, naniniwala tayo sa version ni aydul Vhong lalo pa’t kaawa-awa ang kanyang kalagayan.


Na sa unang tingin ay aakalain mong ginahasa ng sampung manyakis! Kaya lang, paano ipaliliwanag ni aydul pagdating sa hukuman ang kanyang kamalian?


Na kung sakaling totoo na siya ay sinet-up, binastos at hiningian ng pera at tinakot, bakit noong naroon na sila sa police station ay hindi niya ito isinumbong sa mga alagad ng batas?


Natatakot pa ba siya kahit napaliligiran na ng mga pulis?


Kung ginawa niya ito, hindi na sana humantong pa ang insidente sa matinding pambubugbog sa kanya!


Lesson: Maging tapat na sa iyong asawa o siyota!


At kung hindi maiiwasang makipag-date sa iba, tiyaking hindi roon sa lugar ng babae.


Baka maset-up ka o kaya ay abutan ng tunay na nagmamay-ari kay madam!


Hak, hak, hak!


-o0o-


Bagama’t naniniwala ang mga taga-lalawigan ng Rizal na hindi kinukunsinte ni Region 4-A Regional Director C/Supt. Jesus Gatchalian ang katarantaduhan o katangahan ni Rizal Provincial Director S/Supt. Rolando Anduyan, isang kahilingan ang nais nilang ipaabot kay Gen. Gatchalian.


Na kung maaari ay sibakin na agad si Col. Anduyan!


Ang isyu, parekoy, ay kaugnay sa laganap at lantarang iligal na sugal (bookies) ni Bong Sola.


Marami ang naniniwala na patong si Col. Anduyan dito sa iligal ni Bong Sola kaya hindi niya ito naipahuhuli.


Ibig sabihin, katarantaduhan ni Anduyan!


Pero naniniwala tayo na maaaring hindi alam ni Kernel itong operasyon ni Bong.


Provincial director ka, hindi mo alam?


Ibig sabihin, malaking katangahan ‘yan!


The post MALI NI VHONG NAVARRO AT HIRIT KAY GEN. GATCHALIAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MALI NI VHONG NAVARRO AT HIRIT KAY GEN. GATCHALIAN


No comments:

Post a Comment