Saturday, January 4, 2014

Malasado kaya karmatic!

SUPER exciting ang buhay ng singers. Makulay at maintriga minsan. Sari-saring kwento ng mga buhay mang-aawit ang ating usapan ngayon.


Bitter ang concert producer sa isang matabang singer na tili nang tili na maski paano, eh, umabot na rin ng tenth anniversary sa showbiz. Naubos ang pera n’ya sa magandang pakikisama sa singer and manager.

“Wala talaga, na-bankrupt ako sa kanya, eh. Pwede naman palang mag-concert na ‘di kasama ang banda, eh. Can you imagine the expenses with the band? Lahat ‘yun sinagot ko ang pamasahe.

Nasanla ang property ko sa travel agency na nag-issue ng

pagkamahal-mahal na tickets. Salbahe rin ‘yung agent,” kwento n’ya.


Karma namang ‘di nga nagtagumpay ang sumunod na concerts ng baklitang singer.


“Hinayaan ko na, tutal ‘di naman gumanda ang career n’ya. Hanggang doon na lang s’ya maski magaling pa.. Walang hit songs, pang ASAP na lang,” sabi pa ng minalas na producer. Now he represents 4 Neutraceutical companies and does a lot of health forum in different paces for many clients.


*****

ISA pa ‘tong singer/actress na malasado ang buhay sa USA ‘pag nakatigil s’ya ru’n. Kuha nang kuha ng talent fee pero ‘di tinutupad ang pangako na magtatrabaho. Wala namang magawa ang mga producer kasi mahusay mambola at magpaawa ang gagang aktres na ‘di na rin makaahon sa kamalasan maski na minsan ay may good projects pa naman. Ugali na nito ang mangutang sa fans ng halagang $400 kaya naman maraming naloko. S’yempre, flattered kasi idol, eh, humihingi ng tulong.

Kaso, wala na palang bayaran at ‘pag sinisingil na, eh, nagagalit pa sa fans.


“Akala ko, eh, bigay mo na sa akin yun?” patay malisyang sagot pa ng aktres na casino adik.


*******

MAY isa pang single singer na tomboy naman pala pero ang sexy ng dating sa stage. Bilib ka sa kanyang skin exposure at sexy outfits. Muntik pang ma-inlove ang isang concert producer sa kanya kasi nga marunong namang magpaka-loving kapag may dalaw sa balay ng produ. Pero ngayon ang barkada na n’ya lagi ay ang mga tibo sa paligid n’ya.


*******

INSECURE rin pala ang mga singer ‘pag ‘di na napapansin. Isang male singer ang nairita nang minsan sa isang concert ay ‘di siya nabigyan ng VIP treatment maski nga ba sabit lang naman ang kanyang invite, haha.


“Mangilala naman sila, ah,” sabi n’ya na dinig na dinig ng aming spy.


********

ANG isang aktor na hiwalay pa rin sa isang sexy aktes ay talaga namang babaero kaya tama lang na iwan siya. Maski sa USA, pati bagets, eh, gustong patulan at mahilig tumawag maski dis-oras ng gabi. Buti na lang, ‘di madaling masilaw ang magulang sa kanyang celebrity status. Pinag-ingat na lang nila ang anak at sinabihang i-keep ang texts para may ebeidensya. Teenager pa naman ang aspiring singer na gustong tuhugin. Hehehe!


********

ANG sexy at magandang singer ay ‘di nagtagupay sa kanyang misyon sa USA. Andito pa rin sila para magtuloy ng showbiz career. Akala nila, eh, mas magiging mabunga ang buhay sa Amerika pero kabaliktaran ang nangyari.

Nawawalan kasi ng gana ang mga tao ru’ng manood ‘pag du’n na nakatira ang mga artista.


The post Malasado kaya karmatic! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Malasado kaya karmatic!


No comments:

Post a Comment