Saturday, January 18, 2014

‘Osang’ ng X-Factor, walang kawala sa BIR – Henares

Hindi rin paliligtasin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang instant celebrity na si Rose “Osang” Fostanes sa pagsingil ng buwis na napanalunan nito sa “X-Factor Israel” kamakailan.


Idinahilan ni BIR Commissioner Kim Henares na tungkulin ng bawat Pinoy na magbayad ng buwis sa kinikita ng mga ito.



Ngunit aniya, ma-exempt lamang sa pagbabayad ng tax ang isang overseas Filipino worker kung rehistrado o miyembro ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang tinatanggap nitong bayad ay para sa pinirmahan nitong kontrata sa trabaho.


Si Fostanes aniya ay isang Pinoy at taxable ang kinikita nito sa ibang bansa. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Osang’ ng X-Factor, walang kawala sa BIR – Henares


No comments:

Post a Comment