Thursday, January 2, 2014

Coop pinahihirapan ng BIR – Marcos

Pinapahirapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kooperatiba gayung ang nakasaad sa batas ay libre sila sa mga buwis


Ayon kay Senator Ferdinand Marcos Jr., maraming hinihinging dokumento ang BIR sa mga kooperatiba kaya’t dapat na magkaroon ng pag-amyenda sa charter ng Cooperative Development Authority (CDA).



Binigyang diin ni Marcos na ang ganitong uri ng paninikil ay kontra sa nais ng pamahalaan na palakasin ang kooperatiba sa bansa. Aniya, tungkulin ng CDA na imonitor ang mga kooperatiba at kung sa palagay ng BIR nagagamit ito sa maling paraan ang dapat nilang gawin ay iulat ito sa CDA at bayaan na ito ang magpataw ng parusa. – Leonel Abasola


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Coop pinahihirapan ng BIR – Marcos


No comments:

Post a Comment