Ni Jimi Escala
KAHIT anong pilit namin ay ayaw munang magbigay ng komento ang isa sa managers ni Kris Aquino na si Boy Abunda tungkol sa sinasabing almost sure nang paglipat ng Queen of All Media from ABS CBN to GMA-7.
Unang pumutok ang isyu na inaalok ng executive position sa TV5 si Kris, kalaunan ay may isyu na ring sa Kapuso Network daw siya lilipat.
Katwiran ni Kuya Boy, although may alam daw siya ay wala pa raw siya sa posisyon para magsalita tungkol sa isyung ito.
Parehong nagsimula ang TV career nina Boy Abunda at Kris Aquino sa GMA, silang dalawa ang orihinal na hosts ng long-running showbiz talk show ngayon na Startalk. Lumipat sila sa Dos to host The Buzz na ngayon ay Buzz ng Bayan na.
Pero sinabi ng King of Talk na pinagiisipan nang mabuti ni Kris ang magiging desisyon at isa siya sa kinukonsulta nito. Tulad sa TV5, hindi nga ba bilang talent din lang ng Siyete ang offer kundi top executive position din? At kung lilipat si Kris, may plano bang sumunod si Boy doon?
“Well, in this business naman, walang imposible,” simpleng sagot niya sa amin.
Samantala, ayon sa kaibigan namin na kararating lang galing Eastern Samar, nararamdaman na raw ng mga kababayan niya na papasukin na nga ni Boy Abunda pulitika sa kanilang probinsiya at malakas daw ang usap-usapan doon na pagiging gobernador ang tatakbuhan niya.
Sunod-sunod na tulong daw ang dumarating sa kanila galing kay Boy at sa kapatid nito na si Borongan Mayor Fe Abunda.
Sa 2016, tuloy pa rin kaya ang napagkasunduan nina Boy Abunda, Ai Ai de las Alas, at Kris Aquino na sabaysabay nilang papasukin ang pulitika?
Kung tatanggapin kasi ni Kris ang offer na top executive position ng GMA o ng TV5, baka magbago ang plano ng Queen of All Media.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment