Sinabi ng manager ni Michael Schumacher na ang kondisyon ng seven-time Formula 1 world champion ay nananatiling stable magdamag sa isang ospital sa Grenoble kasunod ng kanyang skiing incident noong Linggo ng umaga.
Ayon kay Kehm, ang long-time press aide ni Schumacher, hindi maglalabas ng opisyal na pahayag ang kanyang neurosurgery team ngayong araw.
“Michael’s condition has been carefully supervised all the night and has remained stable also this morning,” ani Kehm.
“For the moment, the good news for today is that we will not hold a press conference because there are no significant changes. Still, the condition overall is critical.”
Nagtamo si Schumacher ng cerebral contusion at edema, dagdag pa rito ang mga sugat sa kanyang utak nang malaglag habang nagii-ski sa Mirabel sa French alps noong Linggo.
Iniulat ng mga doktor ang bahagyang pag-igi ng kanyang kondisyon noong Martes matapos ang ikalawang operasyon upang bawasan ang pressure sa kanyang utak noong Lunes ng gabi. – Yahoo! Sports
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment