Ni Mac Cabreros
Kasabay sa pagkansela ng klase, inilabas ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang rerouting upang bigyan daan ang pag-arangkada ng Palarong Pambansa sa National Capital Region bukas.
Naunang sinuspinde ni Schools Superintendent Rowena Cacanindin ang klase sa elementary at high school sa Lungsod para sa taunang Palaro para sa rehiyon.
Sa kanilang abiso, isasara ang F. Blumentritt St. hanggang sa panulukan ng Pinaglaban St., N. Domingo St. hanggang sa Jose Gil St., Ejercito St. at J. Arellano St. ngunit bukas ang dalawang daan sa Jose Gil St. hangang F. Sevilla St., habang one-way ang Atty. Mendoza St. mula Lope K. Santos St. patungong D. Santiago St.
Dahil dito, pinayuhan ng otoridad ang mga motorista, lalo na ang bus at truck, na magmula sa Ortigas Ave. at Santolan Road patungong Manila ay dumaan sa Granada St. sa Quezon City at kumaliwa sa Aurora Blvd patungo sa destinasyon habang ang manggagaling sa Manila kung saan ay binabaybay ang Ramon Magsaysay Blvd. patungong Ortigas Ave. ay tumbukin ang Aurora Blvd. at saka kumanan sa Gilmore St. at dumiretso sa Granada St. at Ortigas Ave. patungo sa kanilang destinasyon.
“All light vehicles coming from Ortigas Ave. and Santolan Road bound to Manila shall take Santolan Road, right to M. Paterno St., left to N. Domingo St., right turn to De Leon St., right to Lourdes Dr. and turn left to Aurora Blvd. up to their destination,” binanggit sa abiso. “All light vehicles coming from P. Guevarra St. bound to Manila shall take left turn to McLang St., straight ahead to Soison St., left to F. Manalo Ext., right to A. Bonifacio St., right to F. Blumentritt St., left to N. Domingo St., and turn right to Araneta Ave. up to their destination or coming from P. Guevarra St. bound to Manila shall take right turn to P. Parada St. straight ahead to F. Manalo St. going to N. Domingo St. up to their destination,” saad pa sa abiso.
Tiniyak naman ni Mayor Guia Gomez at ng pulisya ang mahigpit na seguridad.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment