Friday, January 3, 2014

A PUBLIC SERVANT’S HEART

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT LAKI sa hirap at mulat sa pagbabanat ng buto.

Ganyan mailalarawan ang Filipinong si Jun Abinsay na naging isang matagumpay na negosyante at politiko sa estado ng Hawaii sa Amerika.


Tubong Vigan, Ilocos Sur si Jun. Magsasaka ang kanyang mga magulang at mayroon silang maliit na negosyo. Sa murang edad ay mulat na siya sa sakripisyong ginagawa ng kanyang ama at ina upang mabuhay at mapag-aral silang magkakapatid.

Bata pa siya ay ramdam na niya na kailangan niyang tulungan ang kanyang sarili upang makaahon sa hirap kaya naging likas sa kanya ang pagiging masikap sa pag-aaral. Sa Vigan, Ilocos Sur National High School siya nagtapos ng sekondarya at sa University of the East naman sa kolehiyo.


Agad na naghanap ng trabaho si Jun at pinalad na matanggap bilang accounting clerk sa isang kompanya sa Makati hanggang sa pinalad siyang makapunta sa Hawaii matapos na magdesisyon ang kanyang nakatatandang kapatid na maging isang US Navy at ipetisyon silang magkakapatid, kasama ang kanilang ina.


Nang makarating siya sa Hawaii, hindi niya inasahan na magiging napakahirap ng pagsisimula niya ng buhay kahit pa may business degree siya dahil sa kawalan niya ng koneksyon at karanasan. Hindi sumuko si Jun at makalipas nga ang ilang panahon ding paghihintay ay nabuksan para sa kanya ang isang oportunidad na magtrabaho bilang inventory clerk.


Dahil na rin sa dedikasyon na kanyang ipinamalas, unti-unti ay pinagkatiwalaan siya ng mas matataas na posisyon. Naging isa siyang account clerk, bookkeeper, account controller at branch manager, bago siya naging vice president ng isang bangko.


Isang maliit na negosyo rin ang kanyang naitayo – ang small printing business na naging daan upang matulungan niya ang mga kapwa Filipino na nagsisimula at naghahanap ng trabaho roon.

Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang community activity at association gaya ng United Filipino Community Council of Hawaii at Filipino Chambers of Commerce of Hawaii.


Ang mga karanasan niyang ito ay tila isa lang palang training ground para sa higit na malaking plano para sa kanya ng Maykapal, sapagkat sa hindi inaasahang pangyayari ay nasawi ang isang representative sa kanilang distrito at siya ang pinalad na ma-appoint bilang kahalili nito.

Hindi kailanman naisip ni Jun na pasukin ang mundo ng pulitika, subalit dahil na rin sa suporta ng kanyang pamilya at ng mga taong nagtitiwala sa kanyang kakayahan ay tinanggap na rin niya ito.


Ginampanan niya ang kanyang tungkulin ng buong puso upang maging isang epektibong politiko sa paniniwalang karugtong ng public service ang pulitika at para sa pinakamabuting interes ng mga mamamayan.


Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fanpage: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.


The post A PUBLIC SERVANT’S HEART appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



A PUBLIC SERVANT’S HEART


No comments:

Post a Comment