Monday, January 27, 2014

70% puwersa na kakalas sa grupo, ispekulasyon lang – MILF

TINAWANAN ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang planong pagkalas sa kanila ng 70% ng kanilang armadong puwersa sa sandaling malagdaan ang final peace agreement sa pamahalaan.


Ayon kay Gadzali Jaafar, Vice Chairman for Political Affairs ng MILF, sapantaha lamang ni MNLF spokesman Reverend Absolom Cerveza ang sinasabing pagkalas ng ilan sa kanilang grupo.


Sinasabing hindi gusto ng mga armadong puwersa ng MILF ang mga probisyon tungkol sa pagbababa ng kanilang armas kapag nalagdaan ang final peace agreement.


Binigyang diin ni Jaafar na hindi lihim sa lahat ng Bangsamoro lalo na sa kanilang armadong puwersa ang nilalaman ng lahat ng kasunduan o annexes na nilagdaan nila sa pamahalaan kaya imposibleng mangyari ito.


The post 70% puwersa na kakalas sa grupo, ispekulasyon lang – MILF appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



70% puwersa na kakalas sa grupo, ispekulasyon lang – MILF


No comments:

Post a Comment