IKINASA ngayon ng mga kompanya ng langis ang panibagong price hike sa gasolina at diesel.
Epektibo alas-6:00 ngayong umaga, nagpatupad nang price increase ang ilang mga kompanya ng langis sa bansa.
Batay sa abiso ng PTT Philippines, karagdagang P0.45 per liter sa gasolina at P0.60 per liter naman sa diesel ang magiging taas sa mga produkto.
Maging ang Shell Philippines ay nag-anunsyo na rin hinggil sa ipatutupad na pagbabago sa kanilang mga presyo.
Inaasahan naman na susunod na rin sa anunsyo ang iba pang oil firms.
Maalala na noong mga nakaraang linggo lamang, nagpatupad naman ng rollback sa oil price ang mga kompanya ng langis.
Sa oil price monitoring report ng Department of Energy, ang paggalaw ng presyuhan ng langis ay bunsod ng forecast ng World Bank hinggil sa posibleng pagtaas ng global oil demand.
The post Price hike ikinakasa ng oil firms appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment