Monday, January 27, 2014

Bagyo papasok ngayong linggo sa Mindanao

NAKAALERTO na ang PAGASA sa posibleng pagpasok ng panibagong bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).


Ayon sa state weather bureau, huling namataan ang sentro ng low pressure area sa layong 2,500 kilometers sa Silangan ng Northern Mindanao.


Halos hindi gumagalaw ang weather system dahil sa epekto ng cold front sa Pacific Ocean.


Sakaling kumilos ito nang pa-kanluran at maging bagyo pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas sa araw ng Huwebes o Biyernes, ito ay tatawaging bagyong “Basyang.”


Samantala, sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC), umakyat na sa 64 ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa nang nakaraang bagyong Agaton.


The post Bagyo papasok ngayong linggo sa Mindanao appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyo papasok ngayong linggo sa Mindanao


No comments:

Post a Comment