Monday, January 27, 2014

11 libong sako ng Thai rice kinumpiska sa Misamis

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) Region 10 ang tinatayang 27 na 20-footer container vans matapos dumaong sa Mindanao International Container Terminal (MICT) sa Tagoloan, Misamis Oriental.


Sa pagharap sa media ni BoC acting collector Atty. Claudia Alameda, inihayag nito na ang nasabing container vans ay mayroong laman na umaabot sa 10,800 bags ng white rice na mula sa bansang Thailand.


Sa ginawa nilang pag-inspeksyon, kanilang nadiskubre na sumobra ito ng 120 white rice bags na malinaw na paglabag ng Tariffs and Customs Code.


Sinabi ni Alameda na bagama’t na mayroong import permit mula sa National Food Authority (NFA) ang nasabing shipments subalit iginiit din nila ang kanilang karapatang mausisa kung ano ang nasa loob ng kargamento.


Una rito, dumating sa MICT ang shipments na isinakay sa M/V Sandigan voyage number 1324 mula Thailand noong Disyembre 2013.


Napag-alamang batay sa inilatag na dokumento, naka-consign ang kargamento sa Malingas Multi-Purpose Cooperative.


The post 11 libong sako ng Thai rice kinumpiska sa Misamis appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



11 libong sako ng Thai rice kinumpiska sa Misamis


No comments:

Post a Comment