IHAHAIN mamaya ng mga abogado ni Vhong Navarro sa tanggapan ng NBI ang mga demanda laban kina Deniece Milinette Cornejo, Cedric Lee at iba pa nilang kasamahan.
Ayon kay Atty. Dennis Manalo, seryoso ang mga pangyayari kaya kailangan nilang madaliin ang paghahain ng demanda.
Magugunitang maliban sa pananakit kay Vhong, inaakusahan din ng pananakot at extortion ang grupo ni Lee.
Maging ang pamilya ng aktor ay nakatatanggap ng banta kaya napilitan silang magsumbong kay Justice Sec. Leila de Lima.
Hindi muna inilahad ng mga abogado ni Vhong kung anu-anong kaso ang kanilang ihahain.
Inamin ngayon ng kampo ni Ferdinand “Vhong” Navarro na may mga taong nagbabanta at tinangkang pasukin ang bahay ng TV host/actor sa Quezon City.
Binigyang-diin ng mga abogado ni Navarro na kasunod ng kanilang pakikipagpulong kay Justice Secretary Leila de Lima.
Inihayag ni Atty. Manalo, isa sa mga abogado ng aktor, na pinakahuling insidente na tinangkang pasukin ng hindi kilalang lalaki ang kanilang bahay ay nangyari Linggo ng gabi.
Ayon sa pamilya Navarro, isang tao ang kumatok sa gate ng bahay ni Navarro at pasigaw na kinausap ang kasambahay nito na buksan ang gate.
Pero hindi sumunod ang kasambahay kaya hindi nakapasok ng bahay ang nasabing tao.
Nangyari ang pagbabanta matapos ang pagpapaunlak ni Navarro ng panayam sa isang TV network kaugnay ng nangyaring pambubugbog sa kanya.
The post Demanda vs Cornejo at Lee ihahain ngayong araw appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment