Monday, January 27, 2014

Babae, binaril sa labas ng mall sa Iloilo utas

PATAY ang isang babae matapos barilin sa labas ng Robinson’s Place sa Quezon St., Iloilo City.


Ang biktima ay kinilalang si Frances Lei Sabio Reyes ng Brgy. Santa Rita, Oton, Iloilo.


Ayon sa ulat, kalalabas lamang ng biktima sa mall matapos bumili ng groceries nang binaril ng hindi pa nakilalang lalaki.


Isang tama ng bala sa ulo ang tinamo ni Reyes na agad nitong ikinamatay.


Patuloy pang iniimbestigahan ang motibo sa krimen.


The post Babae, binaril sa labas ng mall sa Iloilo utas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Babae, binaril sa labas ng mall sa Iloilo utas


No comments:

Post a Comment