Wednesday, January 1, 2014

1 Jn 2:22-28 ● Slm 98 ● Jn 1:19-28

Ito ang pagpapatotoo ni Juan: Kaya sinabi ng mga Judio sa kanya: “Sino ka ba? Para may maisagot kami sa mga nagsugo sa amin.” Binanggit niya ang sinabi ni Pro peta Isaias, at kanyang sinabi:“Ako ang ‘tinig ng sumisigaw sa ilang, “tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon.” ’ ” At kanilang itinanong sa kanya: “At bakit ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo?” Sumagot si Juan sa kanila: “Sa tubig lang ako nagbibinyag, ngunit kasama naman ninyo siyang nakatayo na hindi pa ninyo nakikilala. Dumating siyang kasunod ko pero hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kanyang panyapak.”


PAGSASADIWA

Sapagkat ito ang ipinangako niya mismo: ang buhay na walang hanggan ● Nasa rurok man tayo ng kagalakan o nasasadlak sa kalungkutan, lagi siyang nasa tabi natin. Gayon kadakila si Jesus kaya sinasabi ni Juan Bautista na hindi siya karapat-dapat na magkalag ng panali ng panyapak ni Jesus. Ang pagkakalag ay nangangailangan ng pagyuko na ginagawa ng mga alipin lamang. Binibinyagan lamang ni Juan ang kanyang mga alagad upang makalapit sa Diyos. Subalit ang siyang darating (Jesus) ay nagbibinyag sa tubig at sa Espiritu na hindi lamang nakapagpapatawad ng mga kasalanan kundi nakapagdadala pa ng pagkakasundo. Sinasabi nga sa Unang Pagbasa, nagkakaloob si Jesus ng buhay na walang hanggan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



1 Jn 2:22-28 ● Slm 98 ● Jn 1:19-28


No comments:

Post a Comment