Wednesday, January 1, 2014

Basilan blast, kinondena ng Malacañang

Kinondena ng Malacañang ang madugong pambobomba sa Basilan na diumano’y kagagawan ng grupong Abu Sayyaf sa pagsalubong Bagong Taon.


Nasawi sa pagsabog ang limang katao at ilan pa ang nasugatan sa isang residential area sa Sumisip, Basilan noong Martes ng gabi.



“We condemn in no uncertain terms the nefarious act perpetrated by these lawless elements,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa isang text message.


“These acts only show their desperation, and whatever attempts they seek to prove their relevance will fail,” dagdag ni Lacierda.


Sa mga inisyal na ulat, pinasabog ang bomba sa labas ng bahay ng isang Manuel Cisneros sa bayan ng Sumisip. Naglunsad na ang mga awtoridad ng imbestigasyion sa insidente para tugisin ang mga salarin. – Genalyn D. Kabiling


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Basilan blast, kinondena ng Malacañang


No comments:

Post a Comment