Ni Mary Ann Santiago
Iniulat ng Department of Health (DoH) na umabot sa 599 ang naitala nilang biktima ng paputok sa pagsalubong ng mga Pinoy sa 2014, na mas mataas ng 43 porsiyento kumpara sa naitalang fireworks-related injuries noong nakaraang taon.
Sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DoH-National Epidemiology Center (NEC), nabatid na simula Disyembre 21, 2013 hanggang 6:00 ng umaga ng Enero 1, 2014 ay naitala nila ang 599 fireworks-related injuries sa may 50 pagamutan sa bansa, na kinabibilangan ng 589 fireworks-injuries, isang nakalunon ng paputok at siyam na tinamaan ng ligaw na bala.
Sa naturang bilang, pinakamarami pa ring nabiktima ang “Piccolo” na umabot sa 45 porsiyento o 267 kaso.
Mas mataas umano ito kumpara sa 419 fireworks-related injury na naitala noong nakaraang taon, na kinabibilangan ng 419 fireworks injury, isang fireworks ingestion at siyam na biktima ng stray bullet.
Nabatid na sa Metro Manila, karamihan sa mga nasugatan ay mula sa Manila (138 kaso), kasunod ang Quezon City na umabot sa 64.
Sinabi ni Tayag na kapansin-pansin ang pagdami ng mga nasugatan sa paputok noong Christmas Eve, Christmas Day, New Year’s Eve at maging sa New Year’s Day at halos kalahati nito ay mula sa “Piccolo.” Marami rin nabiktima ang “Plapla” at “five star.”
Sa kabila naman ng pagdami ng mga kaso ng nasugatan sa paputok ay sinabi ni Health Undersecretary Janet Garin na epektibo ang kanilang kampanya laban sa paputok dahil mas marami pa rin ang hindi na gumamit nito at sa halip ay humihip na lamang ng torotot at dumalo sa mga kasiyahan para ipagdiwang Bagong Taon.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment