Magpapatuloy ang kompetisyon sa 2013 SMART Philippine Taekwondo League sa limang iba’t ibang SM malls kung saan ay makikita sa aksiyon ang mga nangunguna at upcoming fighters sa bansa.
Magiging punong-abala ang SM Manila sa dalawang events, ang isa ay sa Oktubre 5 at ang ikalawa ay sa Oktubre 13. Ang iba pang matches ay gaganapin sa SM Sucat sa Oktubre 6, SM Valenzuela sa Oktubre 12 at SM Bicutan sa Oktubre 13.
Lalarga naman sa SM Fairview ang huling torneo sa Oktubre 29.
Nabatid kay tournament commissioner Monsour del Rosario at tournament director Stephen Fernandez na isa na namang kapana-panabik na mga itinakdang matches ang masasaksihan para sa martial arts enthusiasts, partikular na ang mga bata na gustong magtuto ng sport, sa iba’t ibang aktibidades na magsisimula sa ala-1:00 ng hapon.
Gagamitin sa officiating system ng taekwondo ang PSS (Protective Scoring System) at ESS (Electronic Scoring System) at maging ang IVR (Instant Video Replay) para ma-eliminate ang human error at masiguro ang accurate, fair scoring at spectator-friendly matches.
Upang lalo pang maging kasabik-sabik ang torneo, nagdesisyon sina Del Rosario at Fernandez na isama ang Tag round na kahalintulad ng inorganisa ng World Taekwondo Federation.
Sa ilalim ng ganitong setup, ang koponan na may maximum na 10 mga manlalaro ay puwedeng magkaroon ng unlimited substitution sa isang 5-minute round, kung saan ang team na makakapagtala ng pinakamataas na iskor ang magwawagi sa torneo.
Suportado ng MVP Sports Foundation, SMART Communications Inc., PLDT, TV5, Meralco, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, ang PTL ay makapagbibigay sa Filipino fighters ng oportunidad na ipakita ang kanilang fighting styles at techniques kung saan ay naghahangad din silang umakyat sa mas mataas na level.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment