CAMILING, Tarlac – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act ang isang binata na napagtripang i-upload sa Facebook ang hubad na larawan ng isang 14-anyos na babae.
Sa ulat ni PO2 Alyn Pellogo, naging textmate ng suspek na si Redentor Guting, 21, ng Barangay Malacampa, Camiling, Tarlac, ang biktima noong Setyembre at hinimok ang dalagita na padalhan siya ng mga hubad na larawan nito.
Ayon sa report, tinakot umano ni Guting ang dalagita kaya nagbigay ang huli ng litrato ng hubad na larawan nito. – Leandro Alborote
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment