Monday, October 28, 2013

Lotto jackpot papalo na sa P130 million

PAPALO na sa P130 million ang jackpot ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).


Ito ay dahil sa walang nanalo kagabi sa winning number combinations na 10-36-48-41-40-23 kung saan ang premyo ay nasa P122,614,000.00.


Samantala wala ring nanalo sa 6/45 Megalotto sa winning number combinations na 44-33-18-45-17-10 na may jackpot price na P52,084,556.00.


Napanalunan naman ng isang taga-Olongapo ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Philippine lottery na nagkakahalaga ng P741,176,323.20.


Ang 6/55 Grand Lotto draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi sa punong tanggapan ng PCSO sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.


The post Lotto jackpot papalo na sa P130 million appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lotto jackpot papalo na sa P130 million


No comments:

Post a Comment