“Just close your eyes and open your heart, and feel your worries and cares depart; just yield yourself to the Father above and let Him hold you.” – Anonymous
Nagkasakit nang matindi si Mang Ando sa baga.
Dala marahil iyon ng labis na pagpupuyat sa trabao upang kumita nang malaki overtime pay.
Iyong tatlong nasa haiskul ay tumigil nang lahat. At iyong tatlo sa elementarya ay napilitan na ring tumigil.
Inuubo at dugo ang inilulura ni Aling Senyang kayat hindi na rin siya makapaglaba.
May tinanggap na ang kanilang kasera na lilipat sa kanilang apartment sa darating na linggo. Anim na buwan na ang kanilang utang sa bahay.
Nagdasal muna ang mag-anak bago sila nag-isip ng solusyon sa kanilang problema.
At nagmungkahi ang panganay, si Lilibeth, ng ganito:
“Marami naman kayong kaibigan at mga kaklase na may maganda ang buhay at may magandang mga puso. Magpapaampon muna kami. Magiging working students kaming magkakapatid.”
At napagkaisahan nila na uuwi muna ang kanilang ina sa bahay ng kanilang lola upang magpagaling doon. Ang ama nila ay uuwi rin sa kanila.
Silang anim ay ihahanap ng kanilang ina ng matitirhan. Magiging katulong sila makapag-aral lamang.
Ibinigay nila sa Panginoon ang problema kung sinu-sino ang titirhan ng anim na magkakapatid.
At sa wakas ay dumating ang kanilang paghihiwalay. Napagkayarihan nila na hindi sila malulungkot. Iyon ay pansamantala lamang.
Kapag sila ay nagkaroon na ng hanapbuhay balang araw ay magsasama-sama rin silang lahat.
Inabot din ng labinlimang taon bago sila nagkasama-sama. Anong laking katuwaan ang sumapuso ng mag-anak.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment