Tuesday, October 1, 2013

HINAHASA SA TAHANAN

“Where we love is home, home that our feet may leave, but not our hearts.” – Oliver Wendell Holmes.


Narito ang mag-asawa na kapwa nagtitinda ng isda sa bangketa. Hatinggabi pa lamang ay namamakyaw na sila ng isda sa Malabon.


Kahit elementary lamang ang narating ng mag-asawang ito ay maraming aral ang naihahasik nila sa isip ng kanilang mga anak.



Bago nag-asawa si Tonio ay naging boy siya sa bahay ng mga Mendez. Pawang matagumpay ang mga anak ni Mr. Mendez, isang karaniwang maestro. Ang misis ni Mr. Mendez ay sa bahay lamang.


Tuwing katapusan ng buwa ay naroon si Tonio sa malaking bookstore. Ginagaya niya ang kanyang amo na namimili ng mga aklat sa bargain sale.


May study corner ang apat na anak ni Mr. Mendez. Iyong maliit na bahay ni Tonio ay nilagyan niya ang bawat sulok ng maliit na mesa at silya para sa bawat anak.


Sa gulang na tatlong taon ay nakaupo na roon at kanyang binigyan ng krayola at coloring book. May ginawa rin siyang library corner.


Pagkatapos ng kanilang “family prayer” ay sinusundan na ito ng “heart-to-heart talk.”


Hindi kataka-taka na bawat anak ng mag-asawang Mendez ay makakuha ng mga medalya. Naroon sila sa pook ng mga iskuwater ngunit ulirang pamilya pa rin sila. Sila ay naging huwaran sa pook na iyon. Hindi nagbabarkada ang anak nilang pawang mga lalaki.


Dumating isang araw ang isang telegram para kay Aida, asawa ni Tonio. Pinauwi siya sa Bacolod. Malubha ang kanyang Tita Merced, kapatid ng kanyang ina. Si Aida ay nag-iisang pamangkin ni Tita Merced.


Patay na ang mga magulang ni Aida. Ang turo sa kanya ng kanyang ina ay puntahan niya sa Bacolod ang kanyang Tita Merced, matandang dalaga ito. Ngunit nawala ang papel na kinasusulatan ng tirahan ng kanyang Tita.


Sa telegram ay naroon ang tirahan ng kanyang Tita Merced.


Nag-eroplano si Aida. Naabutan pa niyang buhay ang kanyang Tita. Tuwang-tuwa ito nang Makita si Aida.


Incoming search terms:



.. Continue: Balita.net.ph (source)



HINAHASA SA TAHANAN


No comments:

Post a Comment