Iminumungkahi ng isang kongresista sa Kongreso na magadopt ng tinatawag na “corporate farming scheme” upang mapalakas at masustinihan ang programa para sa kasapatan ng bigas sa bansa.
Naghain si Rep. Pryde Henry A. Teves (3rd District, Negros Oriental) ng House Bill 275 na nagpapahintulot sa mga korporasyon at partnerships na lumahok sa produksiyon ng bigas at mais para sa pangangailan ng kanilang mga kawani nang hindi makaaapekto sa kanilang financial viability.
Itinatadhana ng panukala na ang mga korporasyon/partnerships na may mga lupaing angkop sa pagtatanim at produksiyon ng bigas at mais, ay maaaring mamahala sa lupain at magprodyus ng bigas at mais o maaaring pumasok sa isang management/ contractual arrangement sa mga grupo ng mga magsasaka gaya ng farmers’ associations, cooperatives at agrarian reform communities (ARCs).
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment