Wednesday, October 2, 2013

Camarines Sur, pinutulan ng kuryente

IRIGA CITY, Camarines Sur – Tiniyak ni Rep. Salvio Fortuno (5th District, Camarines Sur) na maibabalik sa normal ang supply ng kuryente sa pitong lugar matapos itong putulan ng serbisyo dahil sa hindi pagbayad ng electric bill na umaabot sa P1.2 milyon.


Umaasa si Fortuno, kasama ang punong bayan ng anim na lugar sa kanyang distrito, na makukumbinsi nila ang San Miguel Energy Corporation na tanggapin ang kanilang payment scheme bilang unang kabayaran sa utang sa kuryente hanggang Disyembre.



Sinabi ng mambabatas na pinutol ng SMEC ang serbisyo ng kuryente noong Lunes ng tanghali dahil sa pagkabigo ng Camarines Sur Electric Cooperative na bayaran ang utang nito ng ilang buwan.


Isinisi ng mga opisyal ng CASURECO ang hindi maayos na pamamahala ng mga dating tagapamahala ng kooperatiba sa paglobo ng utang ng ahenisya.


Mahigit sa 500,000 Bicolano ang nakararanas ng brownout matapos putulan ng serbisyo ng kuryente ang mga bayan ng Ba-ao, Buhi, Balatan, Bato, Nabua at Bula. – Ben Rosario


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Camarines Sur, pinutulan ng kuryente


No comments:

Post a Comment